Ni Liezle Basa Iñigo

SUAL, Pangasinan - Labing-anim na katao ang inaresto ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos silang mahuling nangingisda sa Portuguese Point sa Sual, Pangasinan, nitong Miyerkules ng hapon.

Kabilang sa mga nadakip si Panchito Irosa, boat captain ng King Adrian fishing boat at pito niyang tripulante. Naaresto rin si Arnel Pirante, boat captain ng Czarina Ysabelle at pito rin nitong tauhan.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng BFAR, Municipal Agriculture Office/Bantay Dagat ng Sual, Philippine Coast Guard (PCG), at Sual Police.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Paliwanag ng BFAR, walang permit ang mga naaresto para mangisda sa lugar, kaya dinakip nila ang mga ito.

Nakumpiska sa mga ito ang tatlong banyera ng iba’t ibang klase ng isda.

Nahaharap ang 16 sa paglabag sa Republic Act 10654 (Anti-Illegal Fishing) at Municipal Ordinance No. 005-2014.