Mula sa People

NAGLULUKSA ang K-Pop fans sa pagpanaw ng 100% boyband member na si Seo Minwoo.

minwoo

Natagpuang patay ang 33 taong gulang na star sa kanyang bahay sa Gangnam, Seoul nitong nakaraang Linggo, batay sa pahayag na inilabas ng TOP Media, ang label ng banda.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ayon sa label, atake sa puso ang ikinamatay ng singer. Hindi pa inilalabas ang opisyal na sanhi ng kanyang pagkamatay.

“His family, the 100% members, and the TOP Media artists and staff members are all grief-stricken and in mourning from the unexpected, sad news,” saad ng TOP Media sa kanilang website sa salitang Korean.

Ang burol ni Minwoo “will be held quietly according to the will of the family”, lahad sa pahayag.

Nagbigay-pugay naman ang dati niyang bandmate na si Changbum sa pumanaw na musician sa pamamagitan ng Instagram nitong Lunes.

Nag-post siya ng larawan ni Minwoo, na may caption na: “I hope you are comfortable in the sky. I want you to be a bright star and shine on this world.”

Sa Twitter naman nagpahayag ang fans ng kanilang pagdadalamhati at pagbibigay-pugay kay Minwoo, at inilarawan pa ng isa na ang singer ang kanyang mentor.

Nag-debut ang musical group noong 2012. Iniwan muna pansamantala ni Minwoo ang banda para kumpletuhin ang kanyang dalawang taong mandatory military service noong 2014. Bago ang pumasok sa musical career ay naging aktor muna si Minwoo.