Ni Annie Abad

NAAPROBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) Board sa pamamgitan ng kanilang Board resolution #421-2018 ang P600 milyon para sa taunang budget ng mga National Sports Associations (NSA).

PINASALAMATAN ng may 700 kabataan na nakibahagi sa Children’s Game ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Maasin City ang Pangulong Rodrigo Duterte na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon. Iginiit ng PSC na sentro ng programa ng administrasyon ang grassroots sports development. PSC PHOTO

PINASALAMATAN ng may 700 kabataan na nakibahagi sa Children’s Game ng Philippine
Sports Commission (PSC) sa Maasin City ang Pangulong Rodrigo Duterte na nagdiwang
ng kanyang kaarawan kahapon. Iginiit ng PSC na sentro ng programa ng administrasyon
ang grassroots sports development. PSC PHOTO

Ito ang mismong ipinahayag ni PSC chairman William Ramirez kahapon sa isang press briefing kahapon sa izal Memorial Sports Complex, kung saan kasama niya sina Philippine Sports Institute (PSI) National Director Marc Velasco, at Deputy Executive Director Dennis Rivera.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ayon kay Ramirez, hinati nila sa tatlong tiers ang pamamahagi ng allowances para sa mga atleta ng mga NSAs kung saan kabilang sa Tier one ang mga sports na gaya ng Weightlifting, Judo, Wind Surfing, Surfing, Boxing, Taekwondo, Gymnastics, archery, Track and Field at Swimming.

Ang mga nabanggit na NSAs ay ang mga Olympic sports ayon kay Ramirez na kung saan ay aabot ng kabuuang P220 milyong piso ang nakalaang budget para sa mga ito.

“This is the initial master plan, where in after 20 years, the PSC isa working very hard na maibigay ito in due time.” pahayag ni Ramirez.

Bukod sa pagbibigay ng budget sa mga atleta, prayoridad din ng PSC ang pagkuha ng executive chef para sa pagkain ng mga atleta para masiguro ang tamang nutrisyun na kanilang kailangan.

“An executive Chef and Sous Chef have been hired to oversee this together with Sports Nutritions from PSI,” ayon pa sa PSC chief. “This is in line with the birthday of the President Duterte, nag hire nga kami ng chef to run the canteen. Bilin kasi ng Presidente, pakainin ang mga atleta,” aniya.

Samantala, kabilang naman sa Tier 2 ang Olympic at Sea Games sports ay ang Chess, JuJitsu, Pencak Silat, Golf at iba pa, kung saan aabot ng P140 milyong piso ang budget.

Sa Tier 3 ay kabilang ang Dance Sports, Fencing, basketball, Ice Hocky, Hickey, Tennis, Squash, Volleyball at iba pa na may kabuuang P240 milyong piso na matatanggap.