Ni LITO MAÑAGO

MASAYANG tingnan ng group shot na ipinost ni Joaquin Pedro Valdes (gaganap na Thuy cover at ensemble) sa kanyang social media accounts. Makikita sa groupie ang current at new members ng company ng Miss Saigon UK tour.

PINOY CAST NG 'MISS SAIGON' copy

Sa current cast, makikita sina Red Concepcion (The Engineer), Ela Lisondra (ensemble) at Gerald Santos (Thuy).

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa bagong cast, sina Aicelle Santos (Gigi Van Trahn), Iroy Abesamis (ensemble) at Joaquin. Napakasuwerte ni Joaquin dahil pinayagan siyang maisama sa London, England ang kanyang misis na si Atty. Agee Romero- Valdes, isang prebilihiyong ipinagpapasalamat ng aktor kay Cameron Mckintosh, ang sikat na British theaterical producer.

Nagsimula nang mag-rehearse sina Aicelle, Iroy at Joaquin. On-going naman ang performances nina Red, Ela at Gerald sa Palace Theater & Opera House Manchester, kasama ang iba pang cast ng Miss Saigon UK na sina Christian Rey Marbella (ensemble & Alternate The Engineer), Aynrand Ferrer (ensemble), Kristine Diaz (ensemble), Winchester Lopez (swing) at Joreen Bautista (Alternate Kim).

Pagdating ng April 20, papasok na sina Aicelle, Iroy at Joaquin sa Palace Theater & Opera House at simula rin sa araw na ‘yan ay magiging all-Filipino major cast na ang Miss Saigon UK tour, bukod sa roles ng Chris (Ashley James Gilmour), John (Ryan O’Gorman) at Ellen (Zoë Doano).

Ang Miss Saigon ang nagbukas ng pintuan para sa maraming Pinoy singers at performers sa world theatrical stage.

Sinimulan ito nina Lea Salonga (original Kim), Isay Alvarez (original Gigi Van Trahn), Monique Wilson (original Alternate Kim), Jon Jon Briones (ensemble) at marami pang iba.

Nang i-revive ito sa West End noong 2014, ginampanan ni Jon Jon ang papel ng The Engineer, Rachelle Ann Go bilang Gigi Van Trahn at Eva Noblezada as Kim. Silang tatlo rin ang napili ni Cameron para sa Broadway revival nu’ng 2015.

As we all know, kauna-unahang Asian at Pinoy actress si Lea na nanalo ng Best Actress in a Musical sa Olivier Awards sa London, at Tony Awards sa New York.

From being Gigi sa West End at Broadway, balik-West End ngayon si Rachelle Ann para sa role na Eliza Hamilton sa Hamilton: The American Musical.

Indeed, iba talaga ang galing ng Pinoy, pang-world class ang level.

Sa lahat ng bumubuo ng Miss Saigon UK tour, congrats sa inyong lahat!