Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Davao City nitong Martes ng gabi para muling tiyakin ang suporta sa pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza nakipagpulong ang Pangulo kina MILF chairman Al-Hajj Murad Ebrahim.

Bangsamoro Transition Commission (BTC) chair Ghadzali Jaafar, at MILF Peace Panel chair Mohagher Iqbal sa bayan ng Matina.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“This is part of the previously agreed arrangement that there will be periodic and regular meeting of both sides as efforts for the eventual passage of the Bangsamoro Basic Law (BBL) are underway in both the House of Representatives and the Senate,” ani Dureza.

Ayon kay Dureza, muling idiniin ni Duterte sa MILF ang hangarin nitong maitatag ang BBL sa Mindanao, na itinuturing nitong solusyon sa matagal nang gulo sa isla.

Sinabi naman ni Murad na walang pagdududa ang MILF sa katapatan ni Duterte sa pangako nitong maipasa ang BBL.

“President Duterte is now our only and last card,” ani Murad.

Sa kanyang talumpati sa Patikul, Sulu nitong Lunes, nangako si Duterte na makikipag-usap sa Moro leaders dahil ito ang pinakamabilis na paraan para maplantsa ang kanilang mga isyu sa BBL.

“Gusto kong kausapin kayong lahat. Kung kaya ninyong magpunta sa Malacañang, punta kayo lahat. If not, ako magpunta dito,” sinabi ng Pangulo.