BALIK aksiyon na si Philippine pole vault star Ernest John Obiena.

Matapos ang pitong buwang rehabilitasyon mula sa natamong Anterior Cruciate Ligament (ACL) injury noong Augusto – isang araw bago ang pagtulak ng Philippine Team sa Kuala Lumpur para sa 2017 Southeast Asian Games – matibay na muli ang mga paa ng 22-anyos Electronics Communications Engineering student sa University of Sto Tomas.

Sumabak na si Obiena sa Nantou Pole Vault Meet sa Taiwan kung saan nailista niya ang 4.91 meters.

Maiksi man sa kanyang personal best, sinabi ni PATAFA president Dr. Philip Ella Juico na unti-unti nang nakakabalik sa kanyang porma si Obiena.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I took it easy by testing the different vaulting poles he brought with him to Taiwan and just wanted to get the feel of international competition again.” Sambit ni Obiena. “This is part of our training plan and eventually I will do 18 steps.”

Tangan ni Obiena ang Philippine record na 5.61 meters at bronze medalist sa 2017 Asian Athletics Championship sa Bhubaneshwar, India.

Bilang paghahanda sa Asian Games sa Agosto, sumabak si Obiena sa isang torneo sa Taiwan kung saan naitala niya ang 5.10 meters.

Nasa pangangasiwa ni Ukranian coach Vitaly Petrox si Obiena na nagsanay din nang matagal sa Formia, Italy.

“Don’t worry, you’re doing just fine,” pahayag ni Petrob, ayon kay Obiena.

Suportado ang pagsaasanay ni Obiena ng Philippine Sports Commission, PATAFA, Ayala Corporation, at businessman-sports philanthropist James Lafferty.