Mula sa Variety

NAGDESISYON na ang Facebook co-founder at CEO na si Mark Zuckerberg na pumunta sa Washington, D.C., ilang linggo simula ngayon upang tumestigo sa gaganaping congressional hearing tungkol sa user-data scandal na gumulantang sa kumpanya, iniulat ng CNN, batay sa mga pahayag ng anonymous sources.

markzuckerberg

Tumangging kumpirmahin ng tagapagsalita ng Facebook na haharap sa Kongreso si Zuckerberg. Nakatanggap na ang kumpanya ng ilang imbitasyon at nakikipag-usap na sa mambabatas para sa isasagawang hakbang.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Nanatiling in damage-control ang Facebook simula nang kumalat ang balita na ninakaw ang user data ng Cambridge Analytica, isang political consulting firm na nakakontratang trabahuhin ang 2016 election campaign ni Donald Trump at umano ay ginamit ang Facebook data upang puntiryahin ang mga botante.

Nakakuha ang U.K.-based na Cambridge Analytica ng mga personal na impormasyon ng tinatayang 50 million users — nang hindi nila nalalaman o nang walang permiso.

Nitong Lunes, inimbitahan ni Senate Judiciary Chairman Chuck Grassley si Zuckerberg, gayundin si Google CEO Sundar Pichai at Twitter CEO Jack Dorsey, para dumalo sa pagdinig tungkol sa data privacy sa Abril 10.

Samantala, hindi pinaunlakan ni Zuckerberg ang kahilingan ng House of Commons Digital, Culture, Media and Sport Committee ng U.K., na makausap siya tungkol sa Fake News inquiry, upang ipaliwanag ang Cambridge Analytica situation at kung paano ginagamit ng social-media firms ang data para sa political ad targeting.

Nitong Lunes, opisyal na inihayag ng Federal Trade Commission ang paglulunsad ng “non-public” investigation sa data-privacy practices ng Facebook. Partikular ding inaaral ng ahensiya kung nilabag nga ba ng kumpanya ang 2011 consent decree, na kinakailangan ang permiso ng user bago ibahagi ang data.

Nahaharap ang Facebook sa potensiyal na multang $40,000 para sa bawat user dahil sa kanilang paglabag sa FTC agreement, na maaaring umabot sa malaking monetary penalty.

Naglabas ng pahayag si Zuckerberg nitong nakaraang linggo hinggil sa kanilang ginagawang aksiyon sa kaso ng Cambridge Analytica, at nagpaunlak na rin ng piling media appearances makaraang magtago sa mata ng publiko ng ilang araw.

Humingi siya ng paumanhin para sa “breach of trust” ng users at sinabing gumagawa ng paraan ang kumpanya upang ayusin ang sitwasyon.