BUONG buwan ng Abril na magdiriwang ang well-loved program ng GMA Netwiork na Daig Kayo ng Lola Ko ng unang anibersaryo sa paghubog sa mabuting kaugalian sa mga bata sa pamamagitan ng mga kuwentong punumpuno na mga mahika.

Marian Rivera copy

Itatampok ng kid-friendly show ang limang iba’t ibang kuwento na magtatampok sa pinakamalalaking artista ng network at eere tuwing Linggo.

Para sa unang anniversary episode ngayong Linggo (Abril 1), mapapanood si Carla Abellana bilang bida sa “Boggs Bunny”. Si Carla ay si Boggs Bunny, isang Easter Bunny na natuto ng aral tungkol sa pamamahagi ng pag-ibig at kasiyahan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa Abril 8, bida naman ang Kapuso heartthrob na si Ruru Madrid sa episode na “Hercules”. Ang kuwento ay tungkol sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili na nais maibahagi ni Lola Goreng (Gloria Romero) sa kanyang apong si Jorel (Julius Miguel) upang makibahagi sa school activity kahit mababa ang kumpiyansa nito.

Ang Kambal Karibal stars na sina Kyline Alcantara at Jeric Gonzales ay itatampok naman sa “Ibong Adarna” na tatalakay tungkol sa kuwento ng maalamat na ibon at kung paano nagiging hulog ng langit ang isang tao sa kapwa.

Mapapanood ito sa Abril 15.

Samantala, sa Abril 22, isasalaysay naman ni Lola Goreng ang kuwento ng pag-ibig at pagbibigay-halaga sa pamilya sa ikaapat na episode na may titulong “Tarzan and Jane” na bida sina Julie Anne San Jose at Gil Cuerva.

At bilang pang-ultimatum ng month-long specials, itatampok ang kuwento kung paano natatagpuan ng tao ang tunay na pag-ibig. No less than Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang gaganap bilang Princess sa episode na may titulong “Enchanted” na mapapanood sa Abril 29.

Abangan ang magical Sundays sa Daig Kayo ng Lola Ko pagkatapos ng Sirkus sa GMA.