ISLAMABAD (AP) – Nagbalik ang Nobel Peace Prize winner na si Malala Yousafzai sa Pakistan sa unang pagkakataon simula nang siya barilin noong 2012 ng mga militante na nagalit sa kanyang pagsusulong ng edukasyon para sa mga batang babae.
Mahigpit na seguridad ang sumalubong sa ngayon ay 20-anyos nang estudyante sa unibersidad sa pagdating niya kahapon.
Ipinakita sa telebisyon si Malala na kasama ang kanyang mga magulang sa lounge ng Benazir Bhutto International Airport ng Pakistan, at umalis kasama ang convoy ng 15 sasakyan, karamihan ay okupado ng mga armadong pulis.
Nakatakda siyang makipagpulong sa prime minister ng Pakistan kinagabihan.