TAMPOK ang mga batang kampeon sa pagsulong ng 2nd edition ng Councilor Camille Lopez chess tournament sa Abril 15 sa 2nd floor building 1, Public Market sa Lipa City, Batangas.

Bukas ang nasabing torneo sa lahat ng residente ng Lipa City, Batangas at miyembro ng Lipa City Christian-Muslim Chess Association (LCCMCA) na ipapatupad ang 20 minutes five seconds delay time control format.

Maibubulsa ng magkakampeon ang P2,000 plus tropeo, nakalaan naman sa ika-2 puwesto ang P1,500 plus medal, maibubulsa ng ika-3 puwesto ang P1,000 plus medal, matatangap naman ng ika-4 na puwesto ang P700 plus medal at maiuuwi naman ng ika-5 puwesto ang P500 plus medal.

May tig P500 plus medal naman ang mapapanalunan ng Top Lady, Senior, Elementary at High School.

Metro

Nakolektang mga basura sa sementeryo sa Maynila, mas mababa ngayong taon

Tumawag sa mga numero sa 0916-792-2536 at 0921-25