Ni Mary Ann Santiago

Isasara sa mga motorista ngayong araw ang bahagi ng Ortigas Avenue extension patungo sa Antipolo City, Rizal upang bigyang-daan ang taunang “Alay Lakad” sa Antipolo, na dinarayo ng mga deboto tuwing Mahal na Araw.

Sa traffic advisory ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)-Rizal, dakong 6:00 ng gabi ngayong Huwebes Santo (Marso 29) hanggang 6:00 ng umaga ng Biyernes Santo (Marso 30) ay sarado ang bahagi ng nasabing kalsada mula sa Ortigas Avenue extension, partikular ang mula sa Cainta Junction hanggang sa Antipolo.

Inaabisuhan naman ang mga motorista na dumaan na lamang sa East Bank Road Floodway sa bahagi ng Ynares Blvd., o sa Marcos Highway bilang alternatibong ruta.

Probinsya

Labi ng dalagang inanod ng baha noong bagyong Kristine, natagpuan sa isang creek