Ni Light A. Nolasco

STA. ROSA, Nueva Ecija - Palaisipan pa ngayon sa pulisya ang pamamaslang ng riding-in-tandem sa isang dalaga sa Barangay Luna, Sta. Rosa, Nueva Ecija, nitong Linggo ng gabi.

Ang biktima ay kinilala ng Sta. Rosa Police na si Anatasha Geronimo, 45, ng nasabing barangay.

Halos hindi mabilang ng pulisya ang tama ng bala ng baril sa katawan ni Geronimo.

Probinsya

2 menor de edad, kasama sa mga napatay sa operasyon ng militar sa Negros

Sa pagsisiyasat, dakong 7:40 ng gabi at naghahapunan ang biktima sa kanilang kantina nang sumulpot ang isang motorsiklong lulan ng dalawang lalaki.

Pinaputukan muna nang ilang beses ang biktima bago tumakas ang mga suspek.