Mula sa Yahoo Entertainment

Idineklara ng 25 taong gulang na Bodak Yellow rapper sa Instagram Live post nitong Martes na pinag-iisipan niyang tumakbo para sa pinakamataas na posisyon sa bansa – na hindi malayong mangyari, dahil presidente na ngayon ang dating host ng The Apprentice, si Donald Trump. O dahil na rin sa mga usap-usapan na maaaring tumakbo sa pagkapresidente si Oprah — at pati si Kanye West — sa eleksiyon.

cardi

“I really feel like I should run for president,” sabi ni Cardi B sa kanyang 20.3 million followers sa limang minutong clip. “Maybe not in 2020, but maybe in 2024. I really feel like I should run for president because I have a lot of ideas that I feel like it would encourage a lot of young people, a lot of single mothers. … motivate them to go to school and motivate them to get a job. You know what I’m saying? I also have a lot of ideas for taxpayers to not be so hurt on paying taxes, because we’re always going to have to pay taxes. The conclusion is that we’re always gonna have to pay tax, right?”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Saan napupunta ang buwis — ang ipinanawagan ng Bronx-born star nitong nakaraang linggo sa gobyerno, na magbigay ito ng listahan ng mga napupuntahan ng kanilang tax dollars.

Sa bagong video video, nagsalita rin si Cardi B tungkol sa welfare system.

“I feel like a lot of people get welfare, get food stamps, live in projects, and a lot of people don’t have jobs, and a lot of people don’t want to get — don’t want to look for — jobs,” aniya. “I know it’s hard to get a job, but I feel like there’s a lot of people that don’t even try to get a job. And I feel like it’s about that time that we make people try and get a job. You know what I’m saying?”

Kalaunan ay tinukoy niya ang isang babaeng kakilala niya, na “purposely had a lot of kids, so she could purposely get a lot of food stamp money.”

Idinagdag niyang, “I feel like America wants the poor people to keep being poor because they make it easy to stay poor.”

Isiniwalat din ng dating Borough of Manhattan Community College student ang ilang mga sulirinan na kinaharap niya noong nag-aaral pa siya.

“You know, going to college sometimes is very … sometimes the motivation leaves because, it’s like, for example, I had to pay for my own transportation,” aniya. “When it was time to eat food during my break and s***, I had no money to buy food. So I would like to help college students to motivate them to keep going to school.”

Sa kabila ng mga ideya ni Cardi B, wala siyang pagkakataong tumakbo bilang pangulo sa 2024, maliban na lamang kung magbabago ang Constitution. Isinilang siya noong Oktubre 11, 1992, ibig sabihin ay 32 taong gulang pa lamang siya sa 2024 — kulang ng tatlong taon para umabot siya sa required age na 35.

Ngunit malinaw na hindi siya nababahala sa age rule nang gumawa siya ng mock campaign announcement sa VH1’s Love & Hip Hop noong 2016, na papasok siya sa pulitika sa eleksiyon ngayong taon.

Siya ay tumatakbo bilang miyembro ng Keep It Real Party.