Nina Leslie Ann G. Aquino at Mary Ann Santiago

Hindi mahalaga kung hindi umabot sa pito ang simbahang pupuntahan ngayong Huwebes Santo para sa tradisyunal na Visita Iglesia.

Paliwanag ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad, hindi mahalaga kung ilang simbahan ang lilibutin ng mga magbi-Visita Iglesia kundi ang mismong intensiyon ng nagsisimba.

“The intention and the sincerity of what you do is very important,” sabi ni Jumoad.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sinegundahan naman ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Public Affairs Committee, ang sinabi ni Jumoad.

“There is no required number seven or 14. What is important when you do the Visita Iglesia are your intentions, and that you pray and reflect. Those are essential. When you pray, you pray not only for yourself, but for all the people in need of it,” ani Jumoad.

Sa Visita Iglesia, nagtutungo ang mga deboto sa iba’t ibang simbahan para sa Stations of the Cross.

Samantala, wala ring nakikitang masama si Jumoad kung ipo-post man sa Facebook ng mga mananampalataya ang gagawin nilang pagsisimba, pagninilay at pagtitika ngayong Semana Santa.

Gayunman, aniya, dapat siguruhin ng debotong magpo-post sa Facebook na malinis ang kanyang intensiyon at hindi pa lamang sa status.

Pinaalalahanan din niya ang mga Katoliko, partikular ang kabataan, na maging seryoso sa pagninilay-nilay at pagtitika ngayong Semana Santa.

Giit niya, hindi dapat na samantalahin ang panahon ng Semana Santa para magtungo sa beach at magbakasyon—kundi mahalagang pagnilayan ang Bibliya at ang salita ng Diyos habang inaalala ang mga sakripisyo ni Hesukristo.