ILALARGA ng ASICS, nangungunang sports performance brand, ang first ASICS Relay Philippines 2018 sa Mayo 26 sa SM By the Bay ground sa Pasay City.

Mas pinalaki sa ginanap na 2017 version ng karera, ang ASICS Relay 2018 ay isa lamang sa torneo na magkakasunod na isasagawa sa Indonesia, Malaysia, Thailand at Singapore. Tinatayang aabot sa 750 koponan na binubuo ng apat na runners ang sasabak sa torneo.

Tampok ang dalawang long distance races -- ang 42KM Full Marathon at 21KM Half Marathon – sa patakbo na sa male, female at mixed team categories.

Sa karera, hindi ang kahusayan at katatagan ng individual kundi ang pagkakaisa ng bawat team members ang itatampok at bibigyan ng timbang para magtagumpay. Bawat miyembro ng koponan ay kailangang makakumpleto ng dalawang leg o 5.25km para sa full marathon event, at 1 leg o 5.25km. para sa Half Marathon. Sa pagtatapos ng isang leg kailangang maiabot ng runner ang relay token sa susunod na tatakbong kasangga.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“We’re always looking for new ways to expand the ASICS Relay, and with the addition of Philippines in the 2018 relay series, all runners can expect an evening of fun and excitement coupled with a great running experience with their teammates at ASICS Relay Philippines,” pahayag ni Andy Neo, Sports Marketing manager ng ASICS Asia Pte. Ltd.

Bukas na ang pagpapatala para sa mga interesadong runners. Bisitahin ang www.asics.com/asics-relay para sa karagdagang impormayson.

Magbibigay din ng complimentary team slots sa mga bibili ng ASICS footwear sa lahat ng participating ASICS store mula Marso 14 hanggang Abril 14.