Ni Genalyn D. Kabiling

Hindi natitinag ang administrasyon sa planong pagbuo ng “resistance” coalition ng grupo ng oposisyon para sa halalan 2019.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na malaya ang oposisyon na lumikha ng koalisyon para sa halalan sa susunod na taon ngunit dapat ay maghanda rin sila para sa posibleng pagkatalo.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Panelo na nanatiling malakas ang endorsement ng Pangulo para matiyak ang panalo ng mga kandidato ng administrasyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“There is nothing new there. They’ve been resisting this administration. They can always try. They can always fail.

They will always try to repeat what they have failed. They are welcome,” sinabi ni Panelo kaugnay sa koalisyon ng oposisyon sa panayam ng mga mamamahayag sa Malacañang.

“The President’s endorsement would vastly help in the winning of the senatorial candidates,” idinugtong niya.

Iniulat na binabalak ng oposisyon na lumikha ng “The Resistance” at maglagay ng mga pambato para sa senatorial at local polls.

Naniniwala si Senador Francis Pangilinan, presidente ng Liberal Party, na dapat magkaroon ng malakas na oposisyon para labanan ang pagkahulog sa diktadurya at hindi maka-demokratikong pamamahala.

“Democracy demands dissent. We need a strong opposition to ensure that our democracy remains vibrant,” aniya.