Ni Anthony Giron

CAMP GEN. PANTALEON GARCIA, IMUS, Cavite - Aabot sa limang fatal road accident ang naiulat sa loob lamang ng isang buwan sa Cavite.

Ito ang rason kaya naalarma si Governor Jesus Crispin Remulla at nagsabing gumagawa na ng hakbangin ang pamahalaang panglalawigan upang hindi na maulit ang mga naitalang aksidente sa lansangan.

Ka d a l a s a n , a n i y a , a y nangyayari ang mga sakuna sa mga pangunahing lansangan pagsapit ng gabi.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kinilala naman ng Cavite Police Provincial Office (PPO) ang huling nasawi sa aksidente na si Jerome Omac Dellosa, 35, ng Grand Centennial Homes Subdivision, Barangay Putol, Kawit, Cavite.

Minamaneho ni Dellosa ang isang van nang mangyari ang aksidente matapos itong madulas at sumalpok sa isang punongkahoy sa center island, na ikinasawi nito.