Ni Jun Ramirez

Ibinasura ng Court of Tax Appeals (CTA) ang tatlong tax evasion case, na nagkakahalaga ng P73.8 milyon, na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa anak ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Sa 69-pahinang desisyon, inihayag ng CTA First Division na ang inisyung assessment laban kay Juan Miguel “Mikey” Arroyo ay, “based on mere presumption and not on actual facts, the same is invalid and may not be the basis of the accused civil liability.”

Nagsampa ang BIR ng kasong kriminal laban sa dating kongresista ng Pampanga at sa misis nito, si Angelina, noong 2011 dahil sa umano’y hindi pagdedeklara ng kanilang kinita para sa mga taong 2004, 2006, at 2007.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakasaad dito na nakabili ang mga Arroyo ng mga ari-arian at iba pang asset na nagkakahalaga ng daan-daang milyong piso, kabilang ang mga bahay sa Amerika at sa eksklusibong La Vista Subdivision sa Quezon City, ngunit nagbayad lamang ng income taxes na P21 milyon noong 2004; P3.4 milyon noong 2006; at P2 milyon noong 2007.

Ngunit ayon sa korte, nabigo ang prosekusyon na magprisinta ng konkretong ebidensiya upang bigyang bigat ang mga alegasyon na magpapatunay na nagkasala ang mga akusado.