Ni Mary Ann Santiago
Iniulat ng Department of Education (DepEd) na 1,252,357 estudyante ang kabilang sa unang batch ng Senior High School (SHS) na magtatapos ngayong taon, sa ilalim ng K to 12 program ng pamahalaan.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, umaasa siyang makakakuha agad ng trabaho ang graduates, partikular ang magsisipagtapos ng technical-vocational-livelihood track, at makagpapatuloy naman sa pag-aaral sa kolehiyo ang iba pa.
Batay sa rekord ng DepEd, 38.32% o kabuuang 479,866 estudyante ang kumuha ng Technical-Vocational-Livelihood Track; 61.13% o 765,588 sa Academic track, 0.38% sa Arts and Design track, at 0.17% sa Sports track.