NI Beth Camia

Ipinasilip kahapon ng Supreme Court (SC) na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang gymnasium sa SC kung saan isasagawa ang manual recount sa election protest na isinampa ni dating Senator at Vice Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

Nakalatag na sa gymnasium ang 40 mesa na gagamitin para sa manual recount at gayundin rin ang 1,400 ballot boxes mula sa Camarines Sur.

Dahil hindi naman kasya sa venue, hindi muna dinala ang iba pang balota na manggagaling naman sa Iloilo at Negros Oriental, na sinasabing nagkaroon ng iregularidad sa halalan.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Mahigpit naman ang panuntunan ng PET at bawal ang live airing o maging ang Facebook live sa isinagawang ocular inspection gayundin sa live transmission, gadgets at backpacks.

Paglilinaw ng PETna ang kanilang isinagawa kahapon ay ocular inspection lang at hindi pa aktuwal na rebisyon (actual revision).

Sa Abril 2,araw ng Lunes, nakatakdang umpisahan ang manual recount.