Ni Mary Ann Santiago

Target ng Department of Transportation (DOTr) na mabuksan sa Agosto ang bagong Bohol (Panglao) International Airport, ang unang eco-airport sa bansa at tinaguriang “Green Gateway of the World.”

Sa kanyang pagbisita sa bagong paliparan, sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na dapat makumpleto na ang konstruksiyon nito sa Hunyo para maging fully operational sa Agosto.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nangako naman ang Project Management Officer na matatapos nila ang proyekto sa takdang panahon.

Ang bagong paliparan sa Panglao ay inaasahang makakapag-accommodate ng dalawang milyong pasahero sa opening year nito, na malaking pagbabago mula sa 800,000 passenger count na kayang i-accommodate ng Tagbilaran airport.