Ni Genalyn D. Kabiling

Tumanggi ang Malacañang na bawiin ang pahayag nito na ilang human rights groups ang maaaring naging “unwitting tools” ng drug lords para pabagsakin ang gobyerno sa kabila ng pag-alma ng Human Rights Watch (HRW).

Idiniin ni Presidential Spokesman Harry Roque na naninindigan sila sa kanilang pahayag at pinaalalahanan ang HRW na iwasang i-exaggerate at haluan ng politika ang isyu.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nauna rito ay binatikos ng New York-based HRW sina Roque at Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano sa kanilang “shockingly dangerous and shameful” na mga akusasyon laban sa human rights groups nang walang ipinapakitang ebidensiya. Nag-demand ang grupo na bawiin ng dalawang opisyal ang kanilang mga komento, at nagbanta na ang mga ganitong pahayag ay inilalagay sa panganib ang buhay ng human rights defenders.

“We stand by the statement we made on the possibility that some non-governmental organizations, instead of assisting the government fulfill its human rights obligations, have become unwitting tools of drug lords,” saad sa pahayag ni Roque.

“Such scenario, we reiterate, should not be discounted given the billion-peso losses of the drug lords,” aniya pa.

Ayon pa kay Roque “[HRW should] not feel alluded to, exaggerate and politicize the issue to get some media mileage and public attention.”