OAKLAND, Calif. (AP) — Natikman ng injury-plagued Golden State Warriors ang ikalawang sunod na kabiguan nang pabagsakin ng Indiana Pacers, 92-81, nitong Martes (Miyrekules sa Manila).
Nanguna si Victor Olapido sa Pacers sa naiskor na 24 puntos.
Kumana si Nick Young ng 12 puntos sa Golden State, naglaro sa ikalawang sunod na wala ang apat na All-Stars. Ito ang ikasiyam na pagkakataon sa panahon ni coach Steve Kerr na nabigo ang Warriors ng back-to-back.
Naunsiyami ang pagbabalik aksiyon ni Draymond Green sa lagnat, habang alanganin pa rin si NBA Finals MVP Kevin Durant na makalaro sa Huwebes laban sa Milwaukee.
Inaasahang sa playoff na makalalaro si Stephen Curry bunsod nang natamong injury sa kaliwang tuhod, habang nagpapagaling pa ang kanyang ‘Splash Brother’ na si Klay Thompson sa nabaling kanang hinlalaki.
Nag-ambag sina Thaddeus Young at Bojan Bogdanovic ng tig-17 puntos sa Indiana, nagwagi sa ikatlong sunod na laro.
ROCKETS 118, BULLS 86
Sa Houston, patuloy ang arangkada ng Rockets sa ika-10 sunod na laro nang tambakan ang Chicago Bulls.
“That’s what we as a veteran group are supposed to do,” pahayag ni Rockets forward Trevor Ariza.
“We’re supposed to play the same way every game no matter who the opponent is. Because at the end of the day it’s never about the other team for us. Our mindset has to be that it’s always about us.”
Kumubra si Eric Gordon ng 31 puntos at pinantayan ang career high na walong 3-pointers. Kumana si Ariza ng 21 puntos at may 13 puntos at 10 assists si Chris Paul.
“It’s all about energy and playing at a high level every night no matter who’s out, and it’s just been fun being around these guys,” sambit ni Gordon.
Nanguna sa Bulls si Lauri Markkanen na may 22 puntos.
Sa iba pang laro. Nagwagi ang Toronto Raptors sa Denver Nuggets, 114-110; hiniya ng Miami Heat ang Cleveland Cavaliers, 98-79