Ni Joseph Jubelag

KORONADAL CITY, South Cotabato – Iniimbestigahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang isang kapitan ng barangay sa Koronadal City, makaraang salakayin ng awtoridad ang isang ilegal na sabungan sa loob ng compound ng barangay hall.

Ipinag-utos ni Juanito Agullana, local government operations officer, na imbestigahan si Eric Domingo, chairman ng Barangay Caloocan, matapos salakayin ang compound ng barangay hall kung saan isinasagawa ang sabong.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Inaresto ng mga pulis ang tatlong katao, na kinilalang sina Zaldy Lodrico, Godofredo Bolanio at Remy Ausan na pawang naaktuhan umano habang nangongolekta ng taya para sa sabong, sa halagang P20,000.

Ayon kay Supt. Allan Penaverde, ng Koronadal City Police, nag-ugat ang operasyon sa tip ng mga residente sa lugar na nag-ulat may sabong sa loob ng compound ng barangay hall.