Ni Genalyn D. Kabiling

Sa halip na magdaos ng bonggang party, inaasahang mananatili lamang sa bahay si Pangulong Rodrigo Duterte para ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang pamilya.

President Rodrigo Roa Duterte presides over the Executive Session with the Local Government Officials of Sulu and military commanders at the Capitol Site in Patikul, Sulu on March 26, 2018. TOTO LOZANO/PRESIDENTIAL PHOTO

President Rodrigo Roa Duterte presides over the Executive Session with the Local Government Officials of Sulu and military commanders at the Capitol Site in Patikul, Sulu on March 26, 2018. TOTO LOZANO/PRESIDENTIAL PHOTO

Magiging masaya na ang Pangulo, tutuntong sa edad na 73 anyos ngayong Marso 28, na makatanggap ng mga panalangin at pagbati sa kanyang kaarawan, sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Mayor Rody will be celebrating his birthday at home, with his family. He has never been known to throw lavish birthday parties even when he was mayor of Davao City,” saad sa pahayag ni Go. “Prayers from his well-wishers during his birthday would surely make him very happy,” idinugtong niya.

Nitong mga nakalipas na taon, iniwasan ng Pangulo ang magagarbong pagdiriwang ng kaarawan, at sa halip ay pinili ang pribadong pagdiriwang kasama ang kanyang pamilya sa Davao City.

Sa bisperas ng kanyang ika-73 kaarawan, nagsimulang bumuhos ang mga pagbati para sa Pangulo, tulad ng magandang kalusugan at mahabang buhay, mula sa ilang miyembro ng kanyang Gabinete.

“To my adviser, my mentor and my boss, isang maligayang kaarawan po sa inyo!” pagbati ni Go.

Nag-wish naman si Presidential Communications Operations Secretary Martin Andanar ng mas maraming biyaya para sa Pangulo, kasabay ng pagpupugay sa tinawag niyang “the man for people.”

“We pray that our president be blessed with more years, strong health and the wisdom of fine age,” aniya.