NAKOPO ni Ronald Canino ang boys’ 16-under division para pangunahan ang 41 qualifiers na sasabak sa Nationals Finals ng 2018 National Age Group Open Championship Mindanao Leg nitong weekend sa Tagum, Davao del Norte.
Nakopo ni Canino, 14, mula sa Misamis Oriental General Comprehensive High School student, ang kabuuan 5.5 puntos sa unahan nina Japeth Aaron Caresosa at Philgymn Villajuan.
Umabante ang nakababata niyang kapatid na babae na si Rhea Jean Canino matapos manguna sa girls’ 14-under section kontra Lorebina Carrasco II via tiebreaks.
Pangalawa si Carrasco na nakakuha rin ng lots tula dni Shaina Grace Garcia,tumapos na pangatlo na may 3.5 untos, sa torneo na sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines at inorganisa ng Chess Events Internacionale.
Nakopo naman ni Antonella Berthe Racasa, abak ni “Memory Man” Roberto, ang korona sa girls’ 12-under category kontra Canino, Ruelle, sa finals.
Nagtabla sina Racasa at Canino na kapwa may 5.5 puntos, subalit nakuha ni Racasa ang titulo via tiebreak. Pangatlo si Aliyah Rae Lumagtad na may 4.5 puntos.
Ang iba pang nagbida sa kani-kanilang dibisyon ay sina Tristan Frech Ibaoc, Jearaine Chato, Carl Zirex Chato, Aizel Jane Gicole, Mary Joy Tan, Haein Angelito Aparte, David Rey Ancheta, Clint Cavin Atoc, Kaye Lalaine Regidor, Stephen Louis Odi at Zhaoyu Capitilan.
Ipinahayag ni James Infiesto ng CEI na ang nangunang tatlong player sa kani-kanilang dibisyon ay makauusad sa National Finals sa Mayo 5-13 sa Roxas City kung saan ang mga mangungunang tatlong players sa knailang dibisyon ay makakasa sa National Team na isasabak sa ASEAN Chess Championship sa Hunyo 18-28.