Ni Light A. Nolasco

QUEZON, Nueva Ecija – Patay ang isang batang lalaki nang mahulog sa tulay at malunod sa sapa sa Purok 6, Barangay Ilog Baliuag sa Quezon, Nueva Ecija, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ng Quezon Municipal Police ang biktima na si Randy Diamsay, Jr., y Jucinio, 9, residente ng nasabing barangay.

Base sa ulat, tumawid ang biktima kasama ang kanyang pinsan sa isang kawayang tulay at nahulog hanggang sa nalunod sa 12-talampakan ang lalim na sapa, bandang 1:20 ng hapon.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa ina ng biktima na si Jennifer Diamsay y Canuto, 32, agad siyang nagpasaklolo sa awtoridad at ipinaahon ang anak at mabilis na isinugod sa ospital ngunit patay na ito.