Ni Liezle Basa Iñigo

Dahil sa umagos na dugo nadiskubre ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng sako na iniwan sa waiting shed sa Sitio Pukgong, Pangawan, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Ayon sa ilang residente, unang napansin ang abandonadong sako sa waiting shed ngunit binalewala nila ito. At pagsapit ng hapon, napansin ang pag-agos ng dugo mula sa sako.

Dahil dito, agad nila itong ini-report sa awtoridad at natuklasang naglalaman ng bangkay ng isang lalaki ang sako.

Probinsya

3-anyos na bata, todas sa hampas ng kawayan at inihataw pa sa semento ng sariling lolo!

Narekober sa bangkay ang isang backpack na naglalaman ng ID na nakapangalan kay Silvestre Yodong, ng Poblacion, La Trinidad, Benguet.

Agad itong ipinagbigay-alam sa kinauukulan.