Ni Rommel P. Tabbad

Pumasok na kahapon ng umaga sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong ‘Caloy’, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Atronomical Services Administration (PAGASA).

Sa weather bulletin ng PAGASA, dakong 8:00 ng umaga nang tumawid sa bansa ang bagyo, na may international name na ‘Jelawat’.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,015 kilometro sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Aabot sa 65 kilometer per hour (kph) ang lakas nito na may bugsong 80 kph.

Ito ay kumikilos pahilaga-hilagang silangan sa bilis na 15 kph.

Ang bagyo ay tinatayang nasa layong 935 kilometro sa silangan ng Borongan, Eastern Samar ngayong Miyerkules ng umaga.

Sakaling hindi magbabago ang direksiyon, tuluyan nang lalabas ng bansa ang Caloy sa Biyernes, o nasa layong 1,580 kilometro ng Tuguegarao City sa Cagayan.

Paglilinaw ng PAGASA, lumihis ang sama ng panahon at hindi ito makaaapekto sa alinmang bahagi ng Pilipinas.