LALO pang nagiging kapana-panabik ang mga eksena sa hit fantaserye ng ABS-CBN na Bagani dahil sa wakas ay naipagkaloob na ni Apo (Diether Ocampo) ang mga makapangyarihang sandata sa limang bagani ng Sansinukob.

Bagani 1 copy

Kasing tindi din nito ang suporta ng fans na hindi bumitaw sa episode noong Biyernes (March 23) kaya pumalo ito sa average national TV rating na 34.7% mula sa pinagsamang urban at rural homes, kumpara sa katapat nitong Kambal Karibal na nakakuha naman ng 16.9%, ayon sa data ng Kantar Media.

Ipinagkaloob ni Apo kay Dumakulem (Makisig Morales) ang ‘arnis ni Liwliwa’ na kayang magpausbong ng kahit na anong buhay sa lupa, ibinigay naman niya kay Mayari (Sofia Andres) ang ‘kalasag ng Kataw’ na magsisilbing proteksiyon sa mga tao.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ipinasa naman kay Lakam (Matteo Guidicelli) ang ‘palakol ni Bernardo Karpio’ na kayang buwagin ang anumang bagay sa lupa maging ang bundok, at ipinagkaloob naman kay Ganda (Liza Soberano) ang ‘pana ni Makiling’ na kayang patumbahin ang sinumang kalaban gaano man ito kalayo.

Samantala, iginawad naman kay Lakas (Enrique Gil) ang ‘espada ni Minokawa’ na magbibigay sa kanya ng naiibang lakas at liksi sa pakikipaglaban.

Hindi pa man lubusang nagagamit ang mga sandata para sa kabutihan ay umaaligid na naman ang kasamaan sa katauhan ng tatay ni Lakam na si Ama (Robert Seña).

Ano ang maitim na balak ni Ama? Muli kayang mahati ang mga rehiyon?

Huwag palampasin ang Bagani pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram.