Ni Mary Ann Santiago

Sapilitang pinababa ang 800 pasahero ng Metro Rail Transit- Line 3 (MRT-3) dahil sa panibagong aberya ng isang tren sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), dumanas ng technical problem, bunsod ng lumang piyesa kaya nagkaroon ng electrical failure, ang motor ng isang tren ng MRT-3 sa southbound Cubao station, dakong 5:30 ng madaling araw.

Dahil dito, agad pinababa ang mga pasahero at pinasakay sa sumunod na biyahe.

Metro

Live-in partners sa Maynila, hinikayat na lumahok sa libreng kasalan sa Hunyo

Hinatak naman pabalik ng train depot ang nasirang tren upang kumpunihin.