Ni Annie Abad

KABUUANG 702 kabataan mula sa 66 barangays ang nakibahagi at nakisaya sa espesyal na edisyon ng UNESCO Children’s Games na ginanap sa Maasin City nitong weekend kasabay nang pagdiriwang sa ika-73 kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

MULA sa mga batang nakiisa sa PSC Children’s Game sa Maasin City, inaasahang makalilikha ng isang world-class na atleta na magbibigay ng karangalan sa bansa o matapat na individual na magsusulong ng kaunlaran sa komunidad. (PSC PHOTO)

MULA sa mga batang nakiisa sa PSC Children’s Game sa Maasin City, inaasahang makalilikha ng isang world-class na atleta na magbibigay ng karangalan sa bansa o matapat na individual na magsusulong ng kaunlaran sa komunidad. (PSC PHOTO)

Ayon kay Philippine sports Commission (PSC) Regional Coordinator para sa Visayas na si Nonnie Lopez, kaisa ng PSC ang Pangulong Duterte sa kanyang layunin na ilapit ang kabataan sa sports, kung kaya naisip umano nila na gawian ang nasabing palaro sa araw ng kaarawan ng Pangulo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“The PSC is one with President Duterte’s wish for the well-rounded development of the Filipino children through sports. That is why we strategically chose to do it in his birthplace in Southern Leyte,” ani Lopez

Samantala, ipinaabaot naman ni PSC Chairman William Ramirez ang kanyang pagbati sa kaarawan ng Pangulo kung saan aniya ay isang malaking edisyon ng children’s games ang kanilang isinagawa para talaga sa kaarawan niya at kanilang ipagpapatuloy ang magandang layunin ng Pangulo.

“The PSC celebrates the birthday of President Rodrigo Duterte with a big edition of the Children’s Games. The commission will continue to work along the directive of the president in bringing sports to the farthest end of the Philippines and engage the youth in sports,” pahayag ni Ramirez.

Ang limang araw na palaro ay nagsimula nitong Marso 24 sa mga probinsya ng Libagon, Sogod at Tomas Oppus na nilahokan ng kabuuang 376 kabataan.

Samantala, patuloy naman ang Palaro sa araw na ito na lalahokan ng mga kasaling munisipalidad gaya ng Macrohon, Padre Burgos, Malitbog at Limawasa Island, habang isasara naman ng mga LGUs na Liloan, San Francisco at Pintuyan, San Ricardo.

May nakaabang pang 17 na Children’s Games edisyon ang siyang nakatakda at pinaghahandaang ngayong taon.