Ni Beth Camia

Sorpresang nag-inspeksyon ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga istasyon ng bus sa Cubao kahapon para matiyak na Rated G at Parental Guidance (PG) lamang ang mga pelikulang ipinalalabas.

Nakitaan ng paglabag ang dalawang bus ng Ceres Transport at isang Elavil Tours Transport. Mismong si MTRCB Chairperson Rachel Arenas ang sumita sa mga bus na nagpapalabas ng mga pelikula na may R13 rating.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ayon kay Arenas, ipatatawag nila ang mga operator ng mga lumabag na bus at isasailalim sa seminar ang mga driver at kondutor nito.

Sinabi ni Rodelio Palmero, driver ng Elavil Transport na may plakang EVP 611 at may biyaheng Manila-Samar, na hindi nila alam kung anong rating ng pelikula ang puwedeng ipapanood sa kanilang mga pasahero.