NAMAYANI ang Team 80s sa basketball pero wagi naman ang Team 90s sa volleyball sa Week 2 ng ERJHS Alumni Sports Club “Battle of the Generations” sa Barangay N. S. Amoranto courts sa Malaya St., Quezon City noong March 25.
Nagsanib puwersa sina Ronald Carillo ng Batch 85 at Alvin Tanare ng Batch 89 upang umiskor ng 39 puntos para pataubin ng Team 80s ang Team 90s, 73-67, at itabla ang kanilang best-of-five series.
Si Carillo ay umiskor ng 21 puntos, kabilang ang limang triples, habang si Tanare ay nag-ambag ng 18 puntos para sa Team 80s, na bumawi mula 59-81 talo sa opening weekend nitong Marso 18.
Si Victor de Guzman ng Batch 81 ay umayuda rin ng 13 puntos.
Nanguna si Choy Santiago para sa Team 90s sa kanyang 12 puntos, kasunod sina Jerome Nell, Dave Oracion at Jhoseph Magpantay.
Sa volleyball, bumawi ang Team 90s mula sa two-set deficit upang malusutan ang Team 80s, 24-26, 25-21, 21-25, 25-15, 15-6, para sa ika-dalawang dikit na panalo.
Nanguna para sa Team 90s sina Mamei Apinado, Teresa Asuncion, Lourdes Reyes, Jocelyn Igarta, Allen Gonzales, Don Bugarin, Rick Boy Pacaldo, Alvin Salazar at playing coach Sherwin Chua.
Sina Liberty Undag, Alvin Estocapio, Rica Alonsagay, Helen Undag, Pablo Mananghaya and Magdalena Gabriel ang namuno sa Team 80s.
Ang kumpetisyon ay itinataguyod ng ERJHS Alumni Sports Club, sa pangunguna ni Ed Andaya, at sinusuportahan nina Quezon City councilor Onyx Crisologo at Barangay N. S. Amoranto chairman Von Yalong.
Iskor:
Team 80s (73) -- Carillo 21, Alvin Tanare 18, V. De Guzman 13, Arnold Tanare 5, De Jesus 5, Baet 5, Geolin 4, Andaya 2, Coronado 0, A. De Guzman 0, Silva 0.
Team 90s (67) -- C. Santiago 12, J. Nell 9, Oracion 9, Magpantay 8, R. Nell 6, Santos 5, Blysma 4, Duculan 4, J.
Santiago 4, Lazaro 2, Cordeta 2, De Castro 2, Lim 0.
Quarterscores: 23-17, 33-38, 53-53, 73-67.