Ni Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac - Isang security guard, na umano’y sangkot sa iba’t ibang kaso ang pinaslang ng mga hindi kilalang riding-in-tandem sa Barangay San Vicente, Concepcion, Tarlac nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ni PO1 Christian Guiwa ang biktimang si Albert Roque, 52, may asawa, ng Bgy. San Pedro 2, Magalang, Pampanga na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

Probinsya

Unang fully air-conditioned public school, bukas na sa San Pedro, Laguna

Natuklasan ng pulisya na bago ang pamamaslang ay nakatanggap na ng maraming pagbabanta sa buhay ang biktima.

Paniwala ng pulisya, posibleng may kinalaman ang krimen sa pagkakadawit sa insidente ng robbery hold-up sa Magalang, Pampanga.

Isinasangkot din ito sa pang-aagaw ng armas, gun-for-hire at sa pamamaslang sa Bgy. Cafe, Concepcion, Tarlac kamakailan.