Ni Ellson A. Quismorio

Hinihimok ng isang mataas na opisyal mula sa House of Representatives ang Philippine Statistics Authority (PSA) na ipatupad na ang national identification (ID) card system ngayong taon kahit na hindi pa ito lubusang naisasabatas.

Nanawagan si House Committee on Appropriations Chairman Davao City 1st District Rep. Karlo Nograles kahapon, o eksaktong isang linggo matapos ipasa ng Senado ang bersiyon nito ng panukalang batas sa national ID system sa pangatlo at pinal na pagbasa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“At this point, the enactment of the measure is pretty much a no brainer given the support of Malacañang behind it. So to reflect the spirit of the proposed law, which is ensuring the convenience of Filipinos, the PSA should look to implement it at the soonest time possible,” sinabi ng three-term congressman.

Inaprubahan ng House of Representatives sa pangatlo at pinal na pagbasa noong Setyembre ang sarili nitong bersiyon ng batas sa national ID system, ang House Bill (HB) No.6221 (Act Establishing the Filipino Identification System or FilSys).

Kahit na naghihintay pa ito ng aksiyon ng Bicameral Conference Committee para mapagtibay, sinabi ni Nograles na maaari nang simulan ng PSA ang proseso sa pamamagitan ng paggamit sa P2-bilyon national ID system budget na inilaan sa ilalim ng kasalukuyang P3.767-trilyon national budget.

Tiniyak ng Appropriations Committee sa ilalim ni Nograles ang pondo para sa hakbang noon pang Hunyo 2017, nang hindi pa nagsisimula ang deliberasyon para sa 2018 national budget.

Ang FilSys card ay nilalayon na maging all-in-one, machine-readable government card na mag-iimbak ng multiple data tungkol sa cardholder tulad ng tax information, detalye sa health o social security card, at iba pa.