Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Sa harap ng patuloy na batikos laban sa madugong giyera kontra ilegal na droga ng administrasyon, sinabi ng Malacañang na mayroong posibilidad na ginagamit ng drug lords ang human rights groups para itanggi ang mabubuting epekto ng kampanya.

Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos sabihin ni Foreign Affair Secretary Alan Peter Cayetano na hindi alam ng ilang nongovernment organizations (NGOs) na nagagamit sila para hadlangan ang mga progresong nagawa para mabawasan ang problema sa droga ng bansa.

“The attacks against the President’s war on drugs have been vicious ad non-stop,” saad sa pahayag ni Roque sa Lunes Santo.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“We therefore do not discount the possibility that some human rights groups have become unwitting tools of drug lords to hinder the strides made by the Administration,” dugtong niya.

Sinabi rin niya na madaling napopondohan ng drug lords ang planong destabilisasyon laban sa gobyerno upang maipagpatuloy nila ang kanilang mga ilegal na negosyo.

“To continue to do and thrive in the drug business, these drug lords can easily use their drug money to fund destabilization efforts against the government,” ani Roque.

Samantala, ipinagmalaki ng opisyal ng Palasyo ang mga natamo ng drug war, mula sa bilang ng mga sumuko, inaresto, at dami ng nasamsam na droga sa nakalipas na dalawang taon at siyam na buwan.

“The illegal drug trade is a multi-billion-peso industry and billions have been lost with the voluntary surrender of more than a million drug users, arrest of tens of thousands of drug personalities, and seizure of billion-peso clandestine drug laboratories and factories,” aniya.

Batay sa #RealNumbersPH update ng gobyerno, kabuuang 4,021 ang namatay sa anti-drug operations sa tala nitong Pebrero 8, 2018. Naitala rin nito ang kabuuang 121,087 personalidad na naaresto sa drug operations, 454 ay mga empleyado ng gobyerno.