Ni Rommel P. Tabbad

Umapela si Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum, Jr. sa pamahalaan na huwag gamitin ang terminong “pagputok” kung tinutukoy ang pag-aalburoto ng bulkan dahil nagdudulot lamang ito ng kalituhan sa publiko.

Ito ang reaksiyon ni Solidum nang gamitin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang nasabing termino sa pagpapalabas ng huling update kaugnay ng pagbuga ng lava ng Bulkang Mayon, kamakailan.

Ayon kay Solidum, tinawagan na niya ang hepe ng Office of the Civil Defense sa Bicol na si Raffy Alejandro, at ipinaalam ang usapin.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tiniyak na, aniya, ni Alejandro na hindi na mauulit ang naturang pagkakamali matapos itong makipag-ugnayan sa operations center ng ahensya.

Nanawagan din si Solidum sa OCD na linawin muna ang aktibidad ng bulkan bago magpalabas ng anumang abiso sa publiko dahil maging ang Phivolcs ay hindi gumagamit ng katulad na termino.

Nagbabala rin si Solidum sa mga residente sa Albay na huwag maging kampante sa ngayon, dahil patuloy pa rin ang pag-aalburoto ng bulkan.