IPINAHAYAG ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sa pamamagitan ng Charity Assistance Department (CAD), na nakapaglaan ang ahensiya ng P797.6 milyon para sa Individual Medical Assistance Program (IMAP) sa buwan ng Pebrero.
“Of the P797.6 million, PCSO Head Office released P450.1 million for 13,299 cases; while the Branch Offices released P347.5 million for 28,272 cases,” pahayag ni PCSO General Manager Alexander Balutan.
Kumpara sa nakalipas na taon sa pareho ring buwan, tumaas ang IMAP allocation ng PCSO Head Office sa 25.8 percent mula sa P357.7 milyon hanggang P450.1 milyon kung saan napagsilbihan ang 13,299 cases kumpara sa dating 10,533 cases.
Sa Branch Offices, tumaas ng 30.89 porsiyento sa P347.5 milyon mula sa P265.5 milyon para sa 28,201 mula sa 21,833 cases.
“Our target for year 2018 is to open eight new branches more. If we accomplish this, we only need to build 10 more in the coming years and before 2022, we would have established a branch in 81 provinces,” sambit ni Balutan.