Ni AARON B. RECUENCO

Target naman ngayon ng “Oplan Tokhang” ng pulisya ang mga opisyal ng barangay.

Sinabi kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa na mga opisyal ng barangay, at maging mga alkalde, ang puntirya ng Tokhang operations ng pulisya ngayon, kaugnay ng pagpapaigting sa kampanya kontra narco-politicians, at ilang buwan bago ang barangay elections sa Mayo.

“We are doing this so that people in the barangays would know, and they know, who among in their communities are involved in illegal drugs,” ani dela Rosa.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang nasabing hakbangin ay tugon ng PNP sa mga reklamo ng ilang residente kung bakit hindi kasama ang mga opisyal ng barangay sa Oplan Tokhang ng pulisya.

“They have been complaining on why the barangay officials are spared because they themselves know that their barangay officials are involved in illegal drugs,” sabi ni dela Rosa. “So let us be fair with them. We will also include mayors if they are really involved.”

Matatandaang mula nang simulan ang drug war noong Hulyo 2016 ay mga opisyal ng barangay na ang nagbibigay sa pulisya ng listahan ng mga hinihinalang sangkot sa droga sa kani-kanilang lugar.

Magugunitang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbunyag na maraming opisyal ng barangay ang sangkot umano sa bentahan ng droga.