SEOUL (Reuters)— Sinabi ng South Korea kahapon na mahigpit itong nakabantay sa mga pangyayari sa Beijing, kung saan sinabi ng diplomatic sources na isang mataas na opisyal ng North Korean ang bumibisita sa gitna ng mga balita ito ay si leader Kim Jong Un bago ang serye ng mga makasaysayang pagpupulong.

Iniulat nitong Lunes ng Bloomberg, binanggit ang tatlong hindi pinangalanang sources, nasa Beijing si Kim. Nangyari ang hindi makumpirmang pagbisita bago ang posibleng summit kasama si U.S. President Donald Trump.

“The presidential Blue House is watching things in Beijing very closely, while keeping all possibilities open,” sinabi ng isang mataas na opisyal sa Seoul, na tumangging pangalanan.

Isang mataas na U.S. official na sumusubaybay sa North Korea ang nagsabing ipinahihiwatig ng mga ebidensiya na bumiyahe si Kim sa Beijing para makipagkita kay Chinese President Xi Jinping, ngunit idiniin na hindi pa ito kumpirmado.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina