Ni Mary Ann Santiago

Kahit walang nakikitang sapat na dahilan ay nagpasyang mag-inbibit ang hukom na humahawak sa kaso ng pagkamatay sa hazing ng UST freshman law student na si Horacio “Atio” Castillo III noong Setyembre 2016.

Sa pitong pahinang resolusyon na inilabas ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 40, at may petsang Marso 23, 2018, pinaboran ni Judge Alfredo Ampuan ang kahilingan ng dalawang miyembro ng Aegis Jvris Fraternity na sina John Robin Ramos at Jose Miguel Salamat, na mag-inhibit siya sa kaso, kahit hindi siya sang-ayon sa batayan na inilatag ng mga ito.

“Wherefore, premises considered, the motion for inhibition is granted,” nakasaad sa bahagi ng resolusyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa kabila nito, iginiit ni Ampuan na hindi siya sang-ayon sa grounds na inihain ng Aegis Jvris members na nagkaroon ng iregularidad sa procedures, tulad nang umano’y pagpapatuloy ng hearing kahit walang public prosecutor.

Sa inihaing petisyon nina Ramos at Salamat, kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law dahil sa pagkamatay ni Castillo, inihayag rin nila ang paniniwala na hindi sila makakakuha ng patas na hatol mula kay Ampuan dahil siya ay bayaw ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Founding chairman Dante Jimenez, isa sa mga sumusuporta sa pamilya ni Castillo.

Sa kanyang sagot, idiniin ni Ampuan na, “Judges have no more time with the immediate members of their respective families, how much more for the advocacy of other people like the brother-in-law.”