Ni Czarina Nicole O. Ong

Pinayagan ng Sandiganbayan Fifth Division si dating Senador Jose “Jinggoy” Estrada na bumiyahe sa United States mula Abril 30 hanggang Mayo 30, 2018 para dumalo sa US Pinoy for Good Governance general membership meeting, magpakonsulta sa orthopedic surgeon, at makapiling ang kanyang pamilya.

Nakalabas ng kulungan si Estrada nitong Setyembre matapos payagang magpiyansa ng Sandiganbayan para sa kasong plunder. Ang inilagak na bail ay nasa 1,330,000 – P1 milyon para sa plunder, P330,000 para sa kanyang graft charges.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Para sa kanyang travel bond, nagbayad si Estrada ng P2.66M.

Idinetine si Estrada tatlong taon na ang nakalipas sa kasong plunder kaugnay sa umano’y ilegal na paggamit sa kanyang P183M PDAF, na inilaan sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim Napoles.