NANAWAGAN ang Union Bank of the Philippines (UnionBank) sa mga miyembro at pensioner na may hawak ng UnionBank-GSIS unified multipurpose IDs (UMIDs), na lumipat at gumamit ng EMV-enabled cards upang mas masiguro ang seguridad ng kanilang bank transactions.
Sinabi ni UnionBank Executive Vice President Dennis Matutina, na nagiging ‘high tech’ na rin ang mga sindikato para makompromiso ang mga bank account kung kaya’t gumagawa ng paraan ang Union Bank, kabilang na ang paggamit ng EMV technology upang mapangalagaan ang kanilang mga kliyente.
“Every day, cybercriminals continue to find new ways to carry out card skimming, data syphoning, and other malicious activities involving cards, so the best way to stay secure is to make use of the latest security features for cards,” pahayag ni Matutina.
“With the new EMV-enabled UMID cards, another layer of security is added to their transactions, which will help keep card fraud at bay. That can go a long way.”
Nagsimula ang tambalan ng UnionBank at Government Service Insurance System (GSIS) sa paggamit ng UMID cards na may EMV chips. Ang naturang re-carding scheme at pagtalinga sa kautusan ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) na huwag nanan gamitin angh non-EMV ATMs.
Ang EMV -- Europay, Mastercard at Visa – ang ginagamit na global standard for transactions sa paggamit ng cards na-equipped ng chipsets. Nagtataglay ang EMV cards nang mahahalagang panuntunan sa aspeto ng seguridad kumpara sa dating magnetic stripe cards.
Nakabaon sa EMV card ang isang uri ng chip na pumipigil upang makuha ng masasamang-loob ang personal data ng may-ari dahil sa kakaibang tangaly na code nito.
Para mas maunawaan ang naturang EMV card, hinihikayat ang mga miyembro at pensioners na bumista sa GSIS at UnionBank, gayundin sa mga Agency Authorized Officers (AAOs) para mas maipaliwanag ang bagong sistema.