Ni REGGEE BONOAN

IKINAGULAT ni Erickson Raymundo, Presidente at CEO ng Cornerstone Entertainment sa ipinost ni Kris Aquino nitong Linggo ng 11PM na nagpapasalamat na kabilang na ito sa talent management agency niya.

ERICKSON LANG_please crop copy

Sinulat namin last week na kasama si Erickson ni Nicko Falcis, managing director ng KCAP online business ni Kris, sa meeting with Star Cinema executives para sa gagawin nitong pelikula kasama ang sikat na love team.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Tinanong namin tungkol dito si Erickson pero wala siyang ibinigay na detalye dahil wala pa naman daw gaanong napag-usapan dahil wala naman si Kris at mag-uusap palang sila tungkol dito.

Kaya laking gulat ng Cornerstone honcho sa ipinost na ito ng Queen of Online World at Social Media sa Instagram:

“This is an official THANK YOU -- before all of you take off for your Holy Week vacations, my KCAP managing director @nix722 will now be co-managing me with @visionerickson & @cornerstone.

“We, needed help as our workload began to grow at a hard to believe pace & because this year I’m committed to my @iflix.ph original production as well as 2 more movies we are all deciding on which to prioritize. I had a very good relationship with the Cornerstone artists while hosting Kris TV, and @nix722 & I felt that as I return to acting, I will benefit most from the guidance and ALAGA of Erickson & Jeff.

“I’m very grateful that they are gamely taking on the challenge of trying to create a feasible shooting schedule for me because there are already so many digital & endorsement commitments. Here’s to a fruitful & exciting partnership!”

Ini-repost ito ni Erickson na ang nakalagay sa unahan ay, “Welcome to @cornerstone family @krisaquino!!”

Sa pagkakatanda namin, two years ago pa nagsabi si Kris kay Erickson kung puwede siyang tulungan o i-manage ang digital accounts niya pero hindi iyon nag-materialize.

Ito ‘yung panahong hindi na nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN si Kris samantalang si Erickson naman ay abala sa kaliwa’t kanang shows ng mga alaga dito at sa ibang bansa.

Kaya sabi namin kay Erickson, ‘Finally natuloy na after 2 years.’ Nabanggit kasi ito sa amin ni Kris sa isang interview namin sa kanya noon at nagulat nga kami dahil sa pagkakaalam namin ay sina Dreamscape Entertainment unit head Deo T. Endrinal at Boy Abunda ang manager niya.

Pero tungkol naman sa digital platform ni Kris ang deal at si Erickson nga ang unang gusto niyang mag-manage nito.

“Two years na ba ‘yun?” reaksiyon ni Erickson nang kontakin namin nitong Linggo ng gabi. “Basta bago s’ya umalis ng ABS, we were supposed to manage ‘yung digital niya ‘tapos di natuloy.”

Ang gagawin ng bagong manager ni Kris: “’Yung sa movies sa akin and hosting, and other endorsements.”

Balik-tanong namin kay Erickson, ‘What do you mean other endorsements? Out na si Nicko? Siya kasi ang alam naming nakikipag-negotiate sa offers kay Kris. Since may digital team na siya, hindi na ikaw ‘yun (mag-manage).

“We can both entertain mga endorsements. We will also help with the closed deals na. Nicko is part pa din definitely,” sagot ng bagong manager ni Kris.

“Pagbalik pa n’ya ‘tsaka ko makukuha all schedules and existing plan n’ya. We tried working together in the past pero di natuloy. The right timing is now,” dagdag pa niya.

Binati namin si Erickson na lumaki na nang husto ang itinayo niyang talent managenent agency after 13 years na si Sam Milby ang pinakaunang talent (ipinasok niya sa Pinoy Big Brother Season 1 noong 2005).

“He-he, thank you. Just trying to be professional,” kaswal na sagot sa amin.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 88 artists ang nasa pangangalaga ng Cornestone Entertainment kaya sa pagpasok ni Kris ay ito ang pang-89