Ni Rommel P. Tabbad

Tuluyan nang isinara kahapon ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang terminal ng Dimple Star Transport Bus sa Cubao.

Ipinatupad ang closure order makaraang iutos kamakailan ni Pangulong Duterte ang pagkansela sa prangkisa ng Dimple Star Transport matapos mahulog sa bangin ang isang bus nito sa Occidental Mindoro, na ikinasawi ng 19 na katao at ikinasugat ng 21 iba pa, nitong Marso 20.

“About a year ago today, we signed a memorandum of agreement with the MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) and the LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board) that served as a warning to bus operators to shape up or ship out. The time has come to wield the big stick,” paliwanag ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Karamihan, aniya, sa natanggap nilang reklamo ang mga paglabag ng kumpanya sa ordinansa ng lungsod at maruming kapaligiran ng terminal nito.