AFP – Inanunsiyo ng Twitter nitong Lunes ang pagbabawal sa ads para sa initial offerings ng cryptocurrency o bentahan ng virtual currency tokens, na nagpababa sa halaga ng bitcoin.
Sumunod ang Twitter sa Google at Facebook, na nitong unang bahagi ng taon ay pinagtatanggal ang digital currency ads para protektahan ang users laban sa mga manloloko.
“We are committed to ensuring the safety of the Twitter community,” saad sa pahayag ng Twitter. “As such, we have added a new policy for Twitter Ads relating to cryptocurrency.”