Ni Aaron Recuenco
Ipinahuhuli na ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mga colorum na sasakyan sa buong bansa.
Partikular na inatasan ni dela Rosa ang Highway Patrol Group (HPG) para manguna sa operasyon upang mawala na sa kalsada ang mga ilegal na public utility vehicles (PUVs) para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.
“We are aware of manpower problem of the IACT (Inter-Agency Council on Traffic) and we are here to be the law enforcement arm,” pagmamalaki ni dela Rosa.
Ang HPG, aniya, na mayroong 1,000 tauhan sa buong bansa, ang dapat na humuli ng mga kolorum, katuwang ang iba pang ahensiya ng pamahalaan.
“So they (IACT) can just tap the services of our Highway Patrol Units but right now since the instruction of the President is very clear, the Highway patrol should conduct anti-colorum operations.
The HPG shall spearhead the anti-colorum operations but of course they have to coordinate with the LTFRB,” ani dela Rosa.