Mula sa People

NAGSALITA na si Errol Musk, ama ng billionaire entrepreneur na si Elon Musk, tungkol sa pagkakaroon nito ng anak sa kanyang stepdaughter.

Errol at Elon copy

Kamakailan ay ibinunyag ni Errol, 72, sa The Sunday Times ng London na mayroon siyang anak na lalaki kay Jana Bezuidenhout, 30, na apat na taong gulang pa lamang nang pakasalan ni Errol ang ina nitong si Heidi.

‘Loveetttee!' Vice Ganda, pinuri panunupalpal ni Anne Curtis sa basher

Bagamat mayroong anak sina Heidi at Errol at kasal ng 18 taon bago naghiwalay, hindi itinuturing ni Errol na stepdaughter niya si Bezuidenhout, at aniya, lumaki itong malayo sa pamilya.

Nakipag-ugnayan si Errol kay Bezuidenhout upang tulungan itong makalimutan ang isang breakup.

“We were lonely, lost people,” lahad niya sa The Sunday Times. “One thing led to another — you can call it God’s plan or nature’s plan.”

Inamin ni Errol na inakala niya na ang ama ng anak ni Bezuidenhout ay ang kanyang ex-boyfriend, nang aminin nitong buntis siya at nagpakuha siya ng test, na nakasaad na siya nga ang ama.

Bagamat hindi kasama ng ama ng tech mogul ang kanyang bagong silang na sanggol, si Elliot Rush, tinawang niya itong “exquisite child” at sinabing si Bezuidenhout ay isang “delightful girl and a wonderful mother.”

Kinumpirma ni Errol ang paternity ng baby sa The Daily Mail ngayon buwan at nagbahagi ito ng ilang detalye mula sa naging sitwasyon ng kanilang pamilya, at inamin niya na inakala niyang magiging “supportive and understanding” si Ali, kanyang anak.

“She said I was insane, mentally ill. She told the others and they went berserk,” paliwanag niya. “They think I’m getting senile and should go into an old age home, not have a life full of fun and a tiny baby.”

Sinasabing ang relasyon nina Errol at Jana ang dahilan kung bakit hindi magkaayos sina Errol at Elon, lahad ng source sa The Daily Mail.

“The whole family was outraged when we found out,” sabi ng insider. “This is the reason why Elon is so angry with Errol. He is the only father she has ever known. And now he is the father of her child as well.”

Sa panayam kay Elon noong Nobyembre 2017 sa Rolling Stone, tinawag niya si Errol bilang “a terrible human being.”

“My dad will have a carefully thought-out plan of evil,” ibinunyag ng head ng Tesla and SpaceX. “He will plan evil.”

Dagdag pa niya, “You have no idea about how bad. Almost every crime you can possibly think of, he has done. Almost every evil thing you could possibly think of, he has done.”