Ni Jun Fabon

Nagdeklara ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng full alert status kasabay ng pagpapakalat ng kabuuang 11,871 pulis upang magbigay ng seguridad sa Metro Manila ngayong Semana Santa.

Tiniyak din ng NCRPO ang kaligtasan ng publiko ngayong summer vacation kaya nagtalaga ng mga pulis sa mga transportation hub at terminal.

Makakatuwang ng mga pulis ang 24,887 force multipliers, na kinabibilangan ng mga Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), mga guwardiya, at mga miyembro at volunteer ng mga non-government organizations (NGO).

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Panawagan ng NCRPO sa publiko, agad na i-report ang anumang mapapansing kahina-hinala sa NCRPO Hotline: 838-3203, o mag-text sa 0915-8888181 o 0999-9018181; sa National Emergency Hotline: 911; at sa Itaga Mo sa Bato: 2286.